Friday, July 13, 2007

Stick-O. Ice Candy ng Buhay Ko.

maysa, duwwa... tal-lo!

Kukuwento ko sayo ang buhay ko nun bata ako.

  1. Dahil malapit kami sa dagat, natuto akong lumangoy. Member: Muro-Ami
  2. Naranasan kong magbenta ng:
    1. fishballs.
    2. barbecue.
    3. binurong mangga. (Indian and native)
    4. ice candy. (grapes, orange, buko flavor)
    5. balot.
    6. Stick-O.. para kumita, ang benta ko sa isang stick P1. haha.

  1. Natuto akong mag-alaga ng baboy. Magpaligo at sumabay sa ligo ng mga biik. Kahit na mabaho, masaya. Pagkatapos nito, ang kapalit? Papayagan akong maligo sa dagat.
  2. Natuto akong gumawa ng sariling garden, mejo ambisyoso ako nung bata, nagtanim ako ng talong sa likod bahay, ampalaya, sili at munggo. Walang ngyari sa munggo, hanggang sprouts lang sila. Isa pa pala, green peas, ayun wala rin ngyari. Sinubukan ko ang palay, tumubo nga pero hanggang 5 pulgada lang ang itnubo dahil kulang ito sa pataba at hindi sapat ang lupa na aking tinaniman. 12inx12in ang sasakahin ko?
  3. Namimingwit kami sa may pantalan, minsan inuulam un mga nakuhang isda pero minsan pinapaulam sa aso. Ang pangalan ng aso naming noon ay si Hershey. RIP na siya ngayon.
  4. Naalala ko nun elementary ako, uso kasi sa’min sa probinsiya nun yung pagandahan ng vegetable garden, siyempre para mataas yung marka mo na makukuha sa home economics. Siyempre ang pinili kong partner noon yung expert sa pagsasaka ang angkan, yung maraming alam sa pampataba ng lupa at para tumubo ng maayos yung mga gulay na itatanim. At siyempre siya rin ang pinili ko dahil masipag siya magdilig tuwing weekends. Ang name niya pala ay si Steve. Ngayon, ang balita ko eh nagmamay-ari na siya ng mga sakahan sa lugar naming sa ilocos, may mga sarili na siyang alagang baka. Maayos ang garden plot naming nun, maganda and lupa, buhaghag at mukhang mataba para sa itatanim na gulay kagaya ng petsay, talong, sili at kamatis. In fairness, marami kaming naani. Pero isang bagay pa rin ang hindi ko makalimutan nung Grade 4 kami, dahil sa baiting na ito nagsisimula ang gardening siyempre excited din kami na magtanim, pwedeng bibili ka pa sa bayan ng mga punlang itatanim or manghihingi kapag may kakilala. Sa kaso naming, hindi kami bumili o nanghingi. Niyaya kami minsan ng mga kaklase ko, meron daw silang alam na makukunan naming ng mga sili na pwede naming itanim. Dahil excited, sumama naman kami para makakuha kasi baka maubusan kami. Ayun, tuwang-tuwa kami nun kasi meron na kaming itatanim. Sili. Hindi naman gaanong malusog yung mga punla, katunayan eh lagas na yung ibang mga dahon pero kung aalagaan mong mabuti eh malamang lalaki ito ng maganda at pwedeng mamunga ng sili. Siyempre alangan naming kamatis. Halos pauwi na kami ng hapon na iyo ng biglang dumating sa eskuwelahan naming ang may-ari ng nursery kung saan kami kumuha ng mga sili. Pinagbibintangan kami na nagnakaw ng mga alaga nilang tanim. Naku, malaking kahihiyan ito.Dahil kasama ako dun sa pagkuha ng mga pananim, eh di nadamay ako. Nakakahiya yung ginawa naming. Pero, ang ginawa na lamang eh magbayad daw kami ng sampung piso isa-isa. At kailangan dawn a bumili kami ng ice candy sa may-ari (nagbebenta kasi yung may-ari ng mga school supplies, at ice candy.. bumibili kasi kami dun kapag papasok kami sa eskuwelahan tuwing tanghali at pag pauwi na.)… Bago kami umuwi bumili kami ng ice candy. Ayun tapos na yung isyu pero siyempre magnanakaw pa rin kami ng sili. HAHA.
  5. Natuto rin akong maging human lawn mower. Ayan ang ginagawa naming tuwing hapon kapag tapos na ang klase. Lahat kaming estudyante eh pupunta sa likod ng eskuwelahan, magtatabas ng mga damo. At yung iba naman maglinis ng eskuwelahan. Grabe, ganito talaga ang eskuwelahan naming kasi pampubliko lang naman, pero masaya. Uuwi kami na may mga dala-dalang bayabas, mangga at kung anu-ano at kung saan-saan din anmin ito nakukuha. Minsan, maglalaro kami ng mga karate-karate, kung saan kami magsusuntukan at makikipaglaban sa mga ibang kaklase, kung hindi ako ngkakamali, nagkaroon ang mga gurpo naming sa ibang grupo. Ayun, lalake man o babae eh nakikipagsuntukan at nakikipagkarate. Sa banding huli, ayun magulo. Yupi ang mga timba naming mga dala.
  6. Nakakatuwa nung nasa probinsiya pa ako, karamihan na talaga ng mga kaibigan ko eh mga babae. Kaya ayun, kaya siguro ganito ako. Pero masaya pa rin. Yung iba may mga anak na, iilan na lamang kaming wala pang asawa.
  7. Naalala mo ba si Steve, dahil isa rin ako sa mga batang BonnaKid nun sa eskuwelahan namin eh napag-uutusan kaming magbunot ng uban n aming mga guro. At minsan, maguturo ng pagbabasa sa mga ibang kaklase na nahihirapan. Grade 4 ako nun, siya ang tinuturuan ko tuwing tanghali na magbsa, meron akong dalang stick nun kapag ngtuturo ako magbasa. Bawat pagkakamali niya sa binabasang salita eh isang hampas nun sa kanya. Naaalala ko pa kung gaano ako kasadista. Haha. Minsan, napagalitan ako dahil sa laking bulas ng kaklase kong iyon ay nakuha kong mapaiyak. Wag daw akong mamalo..
  8. Naalala ko rin pala. Nakatsinelas lang kami kapag pumapasok nun. Kaya kapag maputik ang nadadanan eh maputik din ang iyong tsinelas pag-uwi. Nakatsinelas ako nun ng Beach Walk. Siyempre usung-uso yan noon. Isa pa, yung Spartan ang tatak nung sinasabi nilang matibay. Malay ko kung totoo, kasi never akong nakasuot noon at Ramboo lang ang nasuot ko rin.
  9. Naalalo ko pa, naglalaro kami ng taguan tuwing takipsilim, tapos sipa, habulan, tumbang-preso, shato, Chinese garter, shake-shake shampoo, langit-lupa-impyerno, tapos ang gumawa ng bola gamit ang buhangin sa may tabing dagat. Tuwing pagkatapos ng bagyo, masarap ang tumambay sa may tabing dagat kasi malamig yung hangin at amoy mo yung mejo malansang amoy ng tubig-dagat. Minsan gumagawa kami ng sand castles or yun nga yung bola na gamit ang buhanging may halong tubig saka ito pinatitigas at pinagbubunggo sa bola ng kalaro hanggang mabasag, kung sino ang masag ang bola, talo.

Nakakatuwa lang isipin na ngayon eh hindi ko na magagawa pa ang mga bagay na iyon. Hanggang sa alala na lamang. Minsan, iniisip ko n asana pwede ako bumalik sa pagkabata para maranasan ko ulit pero hindi rin pwede eh. Kaya ayun, wala akong magawa kundi ishare sa inyo, ikinukwento ko sa inyo ang mga ice candy, mangga, balot, sili at fishballs ng buhay ko, maski wala naman katuturan at wala kayong pakialam. Eh bakit bibili ka ba?
Balooooooooooooooooooooooooooooooooooooot!!!!

No comments: