Monday, July 30, 2007

"BABANATAN KO YAN.." - eugene

Naalala ko lang nung college kami. syempre as a nursing student dapat maexpose ka sa iba't-ibang klase ng hospitals or areas ng nursing, meron duty-dutyhan sa Orthopedic sa may Banawe, tapos sa San Lazaro at syempre hindi mawawala ang National Center for Mental Health. Isang karanasan na hindi ko makakalimutan ang makilala si Eugene (hindi tunay na pangalan) isang patient sa NCMH, isa siyang schizophrenic patient. Lahat ng signs nasa kanya na. First day, siyempre yung orientation namin, then papakilala kami sa kanila. Nagkataong popular 'tong si Eugene dahil magaling mag-English, maraming kalokohan at kung ano ano pa.. kumbaga siya rin ang heathrob daw sa kanila. Kasama ko nung first day si Lana, last day na niya yun at first day ko lang sa duty...magbababye na siya kay Eugene ako eh magha-hi pa lang. Pagkatapos magtoothbrush, at kung anu-ano pang pagfre-freshen up nila eh yun naman ang pagkakataon na makilala namin siya at makilala kami. Isang linya ng mga salita ang hindi ko makakalimutan mula sa bibig ni Eugene at hinding hindi ko makakalimutan, "Babanatan ko yan..," sabi niya kay Lana. Natakot ako kasi takot ako sa mga ganung pasyente, hindi ko alam kung tototohanin niya or joke time lang. Pero nanlilisik yung mga big eyes niya. As in! Scary! Pero siyempre tahimik lang ako kahit na pinagpapawisan na ako at hindi ko na alam ang gagawin. Habang nag-uusap kami tungkol sa buhay niya may mga sinasabi siya na may nakikita daw siya at kung anu-ano pa, Tinanong pa nga kami kung siya daw ba si Kristo. Sabi namin hindi ikaw si Kristo, si Eugene ka. Hehe... Pag-uwi ko, iniisip ko pa rin kung ano mangyayari kinabukasan dahil mag-isa na lang ako, wala na si Lana.
Pagpasok pa lang namin nang kanilang pavilion eh ako na agad ang hinahanap, natuwa naman ako dahil naalala niya ang pangalan ko at hinahanap na niya ako. Pero malay ko ba kung hinahanap niya ako dahil babanatan na niya ako.

Maraming activities, meron jan kung ano anong therapy, music at art kasama. Then hinayaan namin silang mag-drawing ng kung anu-ano na maisip nila..




Ayan ang mga bagay na naglalaro sa isipan ni Eugene. I decided not to throw away his artworks. Wala lang, remembrance. Ayan, nawawala na yata yung mga original pero I scanned it before para kahit mawala eh may copy ako. :-)

No comments: